dimanche 26 octobre 2008

MAGIC WORDS

Magic Words
By : Danny V. Leonera

I LOVE YOU, THANK YOU, IM’ SORRY. Tatlong simpleng mga salita na sa aminin man natin o hindi sa sarili ay mahirap para sa bawat isa sa atin na bigkasin. Mga salitang nagtataglay ng malalim na kahulugan sa atin kaya hindi dapat ito basta basta bitiwan o sabihin sa mga taong deserving na makatanggap ng ganitong mga salita I LOVE YOU. Usually maririnig mo lang ito sa mga taong umiibig. Minsan nga makikita mo lang ito sa mga card, kapag may okasyon o kaya naman sa mga text messages lang. Piso lang ang halaga ng I Love You sa’yo. Sa telepono naman, doon mo lang masasabi sa kanya na mahal mo siya. Para bang takot na takot sabihin ang salitang I Love You. Kasi di ba kapag diretsang sasabihin sa’yo ng minamahal mo, parang ang sarap-sarap pakinggan. Yong tipo bang feel na feel mong sinabihan ka ng I love you. Na may nagmamahal pala sa’yo at nagpapahalaga. At malalaman mong may puwang ka pala sa puso niya. (naks !) Ang iba naman ang sinasabing I love you ay luma na, baduy ! Kasi naniniwala sila na sa ibang paraan nila napapakita ang pagmamahal nila. Sabi nga it’s the thought that counts. Oo nga it’s the thought that counts, pero mas maganda, di ba ? Kapag sinasabi mo na sa kanya ay ipinapadama mo pa. Mas dama ninyo pa ang tunay na spirit ng love.

Ang iba naman sa pagtatago ng nararamdaman, para bang ang hirap ilabas, kasi nahihiya. Baka pagtawanan ka, kasi sa panahon ngayon hindi uso ang seryosohan, wala ng nagtatagal na relasyon. Di mo naman dapat sabihin na mahal mo ang isang tao kung trip mo lang, makakasakit ka pa ng tao. Nag I love you ka na, dapat mo naman siyang pasalamatan sa pagmamahal na ibinibigay niya sa’yo. THANK YOU. Parang ang daling bigkasin, diba ? Dalawang salita, dalawang pantig pero bakit ang hirap sabihin. Sinasabi mo ito sa mga taong gumagawa sa’yo ng kabutihan o kaya naman sa pinagkakautangan mo ng loob. Pero kahit naman sa simpleng ginawa sa inyo ay nagpapasalamat kayo. Ito ay lalong nagpapatibay ng isang relasyon dahil maiisip ng isang tao sa’yo marunong kang tumanaw ng utang na loob.
Nag-I love you ka na, nagpasalamat ka na sa pagmamahal na inalay niya sa’yo, nag thank you ka na. Paano kapag medyo nagkalabuan, pa’no na yun ? Magsosorry ka, parang ang hirap sabihin. Yung tipong alam mo na ikaw ang may kasalanan sasabihin mo lang SORRY hindi mo pa magawa. Makikipagmatigasan pa. Ganito iyan eh ! Kung alam mo nang ikaw ang may kasalanan, lapitan mo na mag-sorry ka. Wala namang mawawala sa’yo. Kung hindi ka niya pansinin, problema na niya iyon basta ikaw nagawa mo na ang part mo. Kasi pride yan. Tipo bang nagpapakiramdaman lang kayo kung sinong unang lalapit. Kung nasaktan mo ang damdamin ng isang tao, magsorry ka kaagad. Kahit hindi mo nakikita sa mukha niya, masaya siya sa loob. Kasi gaano man kasakit ang ginawa mo sa kanya, unti-unting nababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Tatlong salita na tila may pagkahawig sa isa’t isa. Magsasabi ka ng I love you, pasasalamatan mo naman ang pagmamahal na binigay niya sa’yo, sasabihin mo thank you, pag medyo nagkakaproblema naman kayo, magsosorry ka. Tapos bati na uli kayo, masaya na ang lahat, diba parang magic ? Pero kung hindi mo mababanggit ang isa man sa mga ito maaari itong maging simula ng pagkakalayo ng loob ninyo sa isa’t isa. Kung hindi mo sasabihin ngayon o bukas kailan pa ? Tatlong simpleng salita, subukan ninyong iparamdam sa isang tao na mahal ninyo siya, mahalaga sa iyo kahit na simpleng bagay lamang. Sa pamamagitan ng pagbanggit lamang ng tatlong MAGIC WORDS na ito na tunay na nakapagbabago at nakapagpapaganda ng isang relasyon. Di pa huli ang lahat, we can still say…thank you, sorry, I’ll miss you and I love you.

Aucun commentaire: